Ai-Ai delas Alas cryptic post about “narcissist” intrigues fans

Ai-Ai delas Alas cryptic post about narcissist intrigues fans

May pinatatamaan ba si Ai-Ai delas Alas. sa kanyang Instagram Stories?

Ito ang tanong ng ilang netizens matapos magpakawala ang aktres ng makahulugang quote sa Instagram noong Martes, November 26, 2024.

Tungkol ito sa isang taong “narcissist” o mayabang at makasarili.

Ipinost ito ni Ai-Ai ilang linggo makaraan niyang isapubliko ang hiwalayan nila ng asawang si Gerald Sibayan.

Read: Ai-Ai delas Alas assures fans she “will be fine” after breakup

Mababasa sa IG Story ni Ai-Ai ang ganitong quote:

“The narcissist’s new supply may believe they’ve won your partner, but in reality they’ve only taken your problem.”

Sa ibaba ng nasabing quote ay nilagyan ito ni Ai-Ai ng “HAHAHA” sticker, bagamat hindi niya sinabi kung para kanino niya ito patama.

Ai-Ai delas Alas cryptic post about narcissist intrigues fans
Photo/s: Screengrab Ai-Ai delas Alas on Instagram

Mabilis itong pinag-usapan online.

Marami sa mga netizen ang naghinalang ang post na ito ni Ai-Ai ay patama sa bagong karelasyon ni Gerald.

AI-AI DELAS ALAS-GERALD SIBAYAN BREAKUP

Sa mismong ika-60 kaarawan ni Ai-Ai noong November 11, kinumpirma ng Comedy Queen ang masalimuot na kinahantungan ng sampung taon nilang relasyon ni Gerald.

Nangyari ito nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.

Ayon kay Ai-Ai, nakipaghiwalay sa kanya si Gerald via text message habang ito ay nasa Amerika at siya naman ay nasa Pilipinas.

Katuwiran umano ni Gerald, gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na siya masaya sa piling ni Ai-Ai.

Mula noon, hindi na sila nagkita o nagkausap nang personal.

Nang bumalik si Ai-Ai sa tahanan nila sa Amerika ni Gerald noong October 27, wala na rin ang kanyang estranged husband.

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017 pagkatapos ng tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.

“Oo, hiwalay na kami. Sinabi niya na gusto niya magkaanak, hindi na siya happy,” pagbabahagi ni Ai-Ai kay Boy.

“Medyo confused ako, shocked.

“‘Bakit ngayong oras na ito? Sana hinintay mo muna akong makauwi sa Amerika.’ Maraming bakit.”

Pagpapatuloy ni Ai-Ai, “In fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.

“Actually, sa buong [panahon] ng pagsasama namin, bilang sa daliri yung… discussion nga, e, hindi away. So, parang nagulat ako.

“Why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ito? Bakit madaling-araw dito [sa Pilipinas]?

“Sumasagot ako sa chat niya, pero nag-sink sa akin nung umaga na.

“Siyempre, initial reaction ng asawa, nagalit muna ako. Sini-sink ko muna, ano ba itong nangyari?”

Aminado si Ai-Ai na tampo ang una niyang naramdaman nang mabasa ang text message ni Gerald na hindi na ito masaya at gusto na nitong magkaroon ng anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
Anne Curtis unveils Madame Tussaud wax figure of herself | PEP Hot Story #shorts

Ani Ai-Ai, “Yun ang tampo ko, the word is tampo.

“Kasi alam naman niya na bago niya ako pakasalan, hindi na ako magkakaanak, but I really tried my best.

“Meron kaming in vitro [fertilization]. Kahit mahina yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF.

“And then, meron kaming tatlong embryo, may name yon—si Graine, Gale… Meron pa kaming isa, si Gold. Meron pa kaming isang embryo.”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Ai-Ai ang pagpatak ng kanyang luha.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa kanya, kapag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya na ilalagay ko yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby.

“Siguro yun ang nag-trigger sa kanya na ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby. Kasi, di ba, may isa pa kaming embryo, si Gold?

“Pero sinabi niya na nasasaktan siya na nawala yung dalawa naming baby.

“Sabi ko pa nga sa kanya, ‘May isa pa tayo, si Gold. Anak mo rin yon. Yun ang i-try natin [na mabuo],’ pero ayaw niya.”

News

LAGOT NA! Kathryn Bernardo, Isiniwalat ang Tunay na Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Daniel Padilla!

LAGOT NA! Kathryn Bernardo, Isiniwalat ang Tunay na Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Daniel Padilla!   Sa kabila ng matatag na pagmamahalan na madalas nating nasasaksihan sa pagitan nina Kathryn …

Sino Ang Mas Mayaman? Kathryn Bernardo o Andrea Brilllantes? (House, Car, Net Worth)

Kathryn Bernardo: A Reigning Queen Kathryn Bernardo, often hailed as one of the highest-paid actresses in the Philippines, has solidified her position as a top-tier celebrity. Her consistent work in …

Daniel Padilla, Planong Maka-date Muli si Kathryn Bernardo?

Sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng pagpapahalaga ni Daniel Padilla sa kanyang pag-unlad at pagbabago para sa kanyang sarili. Isa sa mga mainit na usapin sa showbiz ang tungkol sa kanyang …

“SHOCKING REVELATION: Louise Delos Reyes CONFIRMS Xian Lim IS THE FATHER of Her Child, BREAKS SILENCE on Their Private Life!”

“SHOCKING REVELATION: Louise Delos Reyes CONFIRMS Xian Lim IS THE FATHER of Her Child, BREAKS SILENCE on Their Private Life!” Louise Delos Reyes BREAKS SILENCE, BOLDLY CONFIRMS Xian Lim IS …

“SHOCKING MOMENT: Kim Chiu Loses Her Temper on Stage Following a Fiery Clash with a Special Contestant!”

“SHOCKING MOMENT: Kim Chiu Loses Her Temper on Stage Following a Fiery Clash with a Special Contestant!” Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa isang live event kung saan nagalit …

Sec NAGSALITA NA sa PAGKAKAKULONG ni Neri Naig Miranda: “WAG TAYONG PA-VICTIM!”

Sec NAGSALITA NA sa PAGKAKAKULONG ni Neri Naig Miranda: “WAG TAYONG PA-VICTIM!” Nagbigay ng matapang na pahayag si Sec kaugnay ng kontrobersyal na pagkakakulong ni Neri Naig Miranda, na nahaharap …

End of content

No more pages to load

Next page