Cristy Fermin stands by info about Kylie Padilla’s alleged infidelity: “Umamin ka kung sino sa inyong dalawa ang unang nanloko kanino.”
Cristy Fermin to Kylie Padilla: “Ang hamon din sa ’yo ni Aljur at ang tanong niya, ‘Sino ba sa ating dalawa ang sumira ng ating relasyon at ng ating pamilya?’ Tinanong ka rin ni Aljur, kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Magkaroon ka ng lakas ng loob o courage para aminin ang katotohanan. Hindi ka nagsalita.
Nagpakawala ng maaanghang na salita ang veteran columnist-radio host na si Cristy Fermin laban sa aktres na si Kylie Padilla.
Kaugnay ito ng sinasabing pag-alma ni Kylie sa impormasyon ni Cristy tungkol sa diumano’y third party sa parte ng aktres noong nagsasama pa ito at ang asawang si Aljur Abrenica.
Nanindigan si Cristy sa kanyang “source” na nagsabing nahuli umano ni Aljur si Kylie na madalas may kausap na lalaki sa telepono kahit na madaling-araw.
Ang di pinangalanang lalaki ang hinihinalang third party umano ni Kylie na siyang pinaringgan ni Aljur nang hamunin nito si Kylie na magsabi ng totoo tungkol sa mitsa ng kanilang hiwalayan.
Ngayong Biyernes ng hapon, October 22, tumagal ng mahigit sa labing-anim (16) na minuto ang buwelta ni Cristy sa radio program nitong Cristy Ferminute sa Radyo5.
Wala raw paninindigan si Kylie dahil binura rin umano ni Kylie ang tirada nito sa kanya sa social media.
Nitong Biyernes ng umaga kumalat ang screenshots ng sinasabing tweets at Facebook post ni Kylie laban kay Cristy, pero binura rin agad ito ng aktres.
“Grow up. Ang tatanda n’yo na,” bahagi ng deleted post ni Kylie.
Bilang sagot, tahasang ipinunto ni Cristy na si Kylie ang nag-umpisa ng kontrobersiya kaya nalaman ng publiko na may problema sa relasyon ng aktres at ni Aljur.
Ipinagtataka raw ni Cristy kung bakit nag-aalburoto si Kylie sa kinasasangkutang isyu.
Saad niya: “Tatanungin lang muna kita. Sino ba ang nagbukas ng mga pahina ng libro ng paghihiwalay ninyo ni Aljur?
“Take a bow Kylie, ikaw ‘yon. Walang pakialam ang mga basher, ang mga trolls, kaming lahat na manunulat.
“Wala kaming alam tungkol sa bulait ng buhay niyo ni Aljur, pero ikaw, dahil sa mga cryptic messages na inilalabas mo, nasunog si Aljur Abrenica pero hindi siya kumibo.”
Ang tinutukoy ni Cristy ay ang cryptic Instagram posts ni Kylie noong Pebrero 2021 kunsaan unang natunugan ng netizens na may marital problem ang couple.
Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang cryptic Instagram post ni Aljur kunsaan may hawak itong rosaryo.
News
LIZA SOBERANO PALABAN PAPALITAN NA ANG NAME NIYA?! HINDI NA LIZA KUNDI HOPE SOBERANO NA?! ALAMIN – LA
LIZA SOBERANO PALABAN PAPALITAN NA ANG NAME NIYA?! HINDI NA LIZA KUNDI HOPE SOBERANO NA?! ALAMIN Liza Soberano’s Bold Move: Embracing Hope Soberano as Her New Identity? Liza Soberano, one …
Enrique Gil sparks excitement over possible project with Liza Soberano – LA
Enrique Gil sparks excitement over possible project with Liza Soberano Enrique Gil says Liza Soberano is part of his work “wishlist” It is not a Christmas wish list, but Enrique Gil reveals …
Aljur Abrenica Dares Kylie Padilla to Reveal Who Cheated First: Robin Padilla Dragged Into the Issue – LA
Aljur Abrenica Dares Kylie Padilla to Reveal Who Cheated First: Robin Padilla Dragged Into the Issue The drama between estranged couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla continues to captivate public …
‘I’m submissive, not stupid’: Kylie Padilla’s cryptic posts spur speculation of separation from Aljur Abrenica – LA
‘I’m submissive, not stupid’: Kylie Padilla’s cryptic posts spur speculation of separation from Aljur Abrenica MANILA — Have Kylie Padilla and Aljur Abrenica separated? This was the question among followers …
Kylie Padilla Labis Na Nagulat Sa Ginawang Sorpresa Ni Aljur Abrenica! – LA
Kylie Padilla Labis Na Nagulat Sa Ginawang Sorpresa Ni Aljur Abrenica! Hindi pa rin matigil-tigil ang mga bulong-bulungan hinggil sa estranged husband and wife na sina Kylie Padilla at Aljur …
Kylie Padilla tinawag na ‘banong starlet’; paano sinagot ang basher? – LA
Kylie Padilla tinawag na ‘banong starlet’; paano sinagot ang basher? Usap-usapan ang pagtawag ng “banong starlet” ng isang basher kay Kapuso actress Kylie Padilla sa comment section ng isang fan …
End of content
No more pages to load