I was so scared’: Kim Chiu naiyak nang ikuwento ang van ambush

Napaiyak ang aktres na si Kim Chiu nang balikan ang pag-ambush sa sinasakyan niyang van sa Quezon City noong umaga ng Marso 4, 2020. ABS-CBN News

Emosyonal na ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu ang naging karanasan matapos paulanan ng bala ang sinasakyan niyang van habang papunta sa taping ngayong umaga ng Miyerkoles.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, mangiyak-iyak na sinalaysay ni Chiu ang mga nangyari noong araw na iyon, na normal lang dapat na taping day para sa aktres.

“Natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script pero inantok ako along the way palabas ng village so humiga ako. So kung hindi ako inantok, tinuloy ko ‘yung pagbabasa ng script, siguro tinamaan na ako. Nagpaulan ng bala, eight bullets. Nakita ko ‘yung isang bala nasa windshield nakapatong. I’m scared,” ani Chiu.

Nagising na lang siya sa tunog ng bala at agad na pinuntahan ang kaniyang drayber at personal assistant.

“Maliit lang yung putok eh. Manipis lang siya na tunog tapos sabi ko ano yon anong nangyari so nagpunta ako sa driver and PA ko and then sabi nila nabaril yung kotse. so tiningnan ko silang dalawa. ‘Yong driver ko yung windshield namin butas na ang bala,” ani Chiu.

Batay sa ulat ng pulisya, patungo sana si Chiu sa taping ng kaniyang serye na “Love Thy Woman” nang paulanan ng bala ang kaniyang sasakyan.

Aabot sa 8 sunod-sunod na tama ng bala ang tumama sa sasakyan, ayon sa aktres.

Nanatili sa loob ng sasakyan si Chiu habang sinusuri ng pulisya ang crime scene. Agad din daw siyang tumawag sa mga mahal sa buhay makalipas ang insidente.

“Tumawag ako na binaril ‘yung kotse ko. Ang dami kong tinawagan kasi hindi ko alam anong gagawin ko. Nasa loob ako ng sasakyan, ang daming pulis sa labas. May mga MMDA na. Hindi ko na alam. After that, nag-hang ako,” ani Chiu.

Gayunman, pinili pa rin ni Chiu na pumunta sa taping ng kaniyang palabas.

“Nag-take ako ng dalawang eksena. Siguro adrenaline rush na mag-taping tayo, magtrabaho tayo. People are asking me kung kumusta ako. Hindi ko alam. Tinatanong nila kung kumusta ka. Naisip ko, ‘Oo nga no? Kumusta pala ako.’ Natatakot lang ako why those things are happening,” ani Chiu.

Palaisipan din sa aktres sa motibo ng krimen, lalo na’t iginiit nito na wala siyang naging kaalitan.

“Diyos ko, ako pa ba? Wala [akong nakasamaan ng loob]. Ang masasabi ko na lang, life is really precious. Kahit wala kang sakit, wala kang kasamaan ng loob. Kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na,” ani Chiu.

“Mistaken identity” ang isa sa tinitingnang anggulo sa insidente, ayon kay QCPD director Brig. Gen. Ronnie Montejo.

Kumbinsido rin si Montejo na intensiyon ng gunman na pumatay sa insidente.

Ikinalugod naman daw ng aktres na ligtas ang lahat ng sakay ng sasakyan. Nagpasalamat din si Chiu sa mga nagpaabot ng mensahe sa kaniya makalipas ang insidente.

“I am very happy and very thankful na more than 100 messages ‘yung natanggap ko. ‘Yung cellphone ko endless ‘yung tawag. Safe naman ako. Nagpapasalamat ako dahil nag-alala sila para sa akin. Sana makita na kung sino ang bumaril sa kotse ko,” ani Chiu.

Nagpakonsulta na rin sa abogado si Chiu at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng ABS-CBN kaugnay ng imbestigasyon.

Narito ang pahayag ng ABS-CBN tungkol sa insidente:
ABS-CBN condemns the shooting incident this morning involving the vehicle carrying its artist Kim Chiu, her personal assistant, and her driver in Quezon City.
The network is relieved that none of them got hurt and is taking measures to ensure their safety. Our priority now is attending to their needs as they cope with this traumatic experience.
ABS-CBN would like to thank the authorities for quickly responding to the incident and securing Kim and her companions.
We are currently working closely with the authorities who are investigating the incident in the hope that the perpetrators will be brought to justice.

News

Kathryn Bernardo reveals why she trusts Alden Richards with her most profound questions

Kathryn Bernardo recently opened up about her relationship with fellow star Alden Richards, sharing that he is one of the few people she can talk to without a “filter.” In …

Alden Richards and Kathryn Bernardo admit feeling the pressure for ‘Hello, Love, Again’

Courtesy: GMA Integrated News/YouTube In their GMA Integrated News interview with Nelson Canlas, which aired on “24 Oras,” Wednesday, KathDen admitted that they are feeling the pressure for the upcoming …

Alden Richards reveals what Kathryn Bernardo taught him about life

Alden Richards shares what he learned from Kathryn Bernardo during their ‘Hello, Love, Again’ shoot in Canada Alden Richards and Kathryn Bernardo have gotten much closer now that they’ve wrapped …

KIKILIGIN KAYO DITO! Paulo Avelino kay Kim Chiu: Ganito Pala ang Ginawa! Grabe sa Kilig! #Kimpau

Walang duda, ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu, na mas kilala bilang “Kimpau,” ay isa sa mga pinaka-romantic at kilig na pairings sa industriya ng showbiz. Sila ay …

Kim Chiu’s Stunning New Family House is a Real-Life Dream Come True

Kim Chiu at the 2018 ABS-CBN Ball  Actress-host Kim Chiu gave a glimpse of her new three-storey family home. The actress posted several selfies and photos of herself around the …

Imbyerna sa ABS-CBN: Kim Chiu inagrabayo dahi kay Lovi Poe

Gigil sa galit ang mga fan ni Kim Chiu sa Kapamilya Network, at damay pati si Lovi Poe, dahil sa paniniwala nila na hindi patas na tratong ginawa sa kanilang …

End of content

No more pages to load

Next page