Sa pinakabagong video na inilabas ni Doc Willie Ong, isang kilalang doktor at health advocate, ipinakita niya ang mga resulta ng kanyang mga laboratory tests na nagpapakita ng patuloy na laban niya sa isang matinding sakit na sarcoma.
Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino
Source: Youtube
Ayon kay Doc Willie, mababa ang tsansa niyang mabuhay nang mas mahaba dahil sa bigat ng kanyang karamdaman, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin niyang binibigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino.
“Nagkaroon ako ng sepsis, bumaba ang blood pressure ko. Tignan niyo ang mukha ko, kung gaano na ako kapangit,” ani Doc Willie habang ipinapakita ang epekto ng kanyang kondisyon sa kanyang pisikal na anyo.
Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, patuloy niyang binibigyang halaga ang kanyang misyon sa buhay. “Basta sa huling hininga ko, sasabihin ko lagi, gusto kong tulungan ‘yung mga nasa probinsiya, ‘yung mga mahihirap, dahil ‘yan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Dapat patay na ako last week eh. Kung mabubuhay pa ako ng isang araw, ibibigay ko ‘yon para sa mga Pilipino.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Nagbahagi rin si Doc Willie ng mga payo sa kanyang mga tagasubaybay, hinihikayat ang bawat isa na maging mas mabuting tao, maging mapagmahal at mapagpasensiya sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Pinuri rin niya ang kabutihan ng mga simpleng Pilipino at hinimok silang ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.
Samantala, matindi ang pag-alma ni Doc Willie sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at larawan sa mga pekeng advertisement, lalo na sa mga social media platforms. “Nakakalungkot na may mga gumagamit ng pangalan at mukha ko para sa mga maling layunin. Hindi ko iniendorso ang mga ‘yan, kaya mag-ingat kayo,” babala niya.
Patuloy ang pagtutok ng mga netizen kay Doc Willie at sa kanyang laban sa sakit, at hindi maitatanggi ang malalim na epekto ng kanyang mensahe ng pag-asa at malasakit sa mga Pilipino.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ‘Kuya Boy’ na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama’t bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
News
Doc Willie Ong, Kalbo na: Matapang na Nagbahagi ng Matinding Rebelasyon Tungkol sa Kanyang Laban sa Sakit
Si Doc Willie Ong, kilala bilang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang doktor sa bansa, ay muling nagbigay ng inspirasyon matapos niyang ipakita ang kanyang bagong anyo—kalbo na—bilang bahagi ng kanyang laban …
VIDEO: Doc Willie Ong MASAYA dahil CANCER FREE NA! Pero NAIYAK sa NATUKLASAN sa mga PULITIKO sa PINAS!
Doc Willie Ong MASAYA dahil Cancer-Free Na! Pero Naluha sa Natuklasan Tungkol sa mga Pulitiko sa Pilipinas Si Doc Willie Ong, isang kilalang cardiologist at public health advocate, ay nagbahagi …
Doc Willie Ong NAGULAT sa BILIS ng PAG LIIT ng BUKOL NITO Doc Willie PAUWI NA!
Nagbigay ng malaking sorpresa ang kilalang health advocate at doktor na si Doc Willie Ong matapos niyang ibahagi ang nakakagulat na resulta ng paggamot sa kanyang bukol. Ayon sa kanya, …
Doctor Willie Ong, nagbabahagi tungkol sa proseso ng paggamot sa Singapore. Napaiyak ang mga manonood nang marinig ang sinabi niya
– Binahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang napagtanto matapos magpagamot sa Singapore – Nais niyang maiangat ang antas ng healthcare sa Pilipinas upang maiwasan ang mga aniya’y ‘needless deaths’ …
The Doc Willie Ong-Kris Aquino feud: Supporters rally behind the good doctor!
Following the potential lawsuit against him by Kris Aquino, Doc Willie Ong received a wave of support from his followers after he posted a clarification on his official Facebook account. …
Doc Willie Ong’s cancer journey: Battling pain, guilt and healthcare disparities
Renowned cardiologist and online health advocate Dr. Willie Ong revealed he was battling sarcoma cancer, surprising his millions of followers. In a video recorded from his hospital bed, Ong shared …
End of content
No more pages to load