– Binahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang napagtanto matapos magpagamot sa Singapore
– Nais niyang maiangat ang antas ng healthcare sa Pilipinas upang maiwasan ang mga aniya’y ‘needless deaths’
– Inihayag niya ang pagkakaiba ng pondo at suporta sa pagitan ng first world countries at ng Pilipinas
– Ipinangako niyang gagawing misyon na itaas ang kalidad ng gamutan sa bansa para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon
Ibinahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang mga napagtanto matapos magpagamot sa Singapore at inihayag ang kanyang hangaring maiangat ang sistema ng kalusugan sa Pilipinas. Ayon sa kanya, nais niyang dalhin ang mataas na antas ng gamutang nakita niya sa Singapore patungo sa bansa upang maiwasan ang mga aniya’y ‘needless deaths.’
Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore Source: Facebook
I want to bring Singapore first world healthcare closer to the Philippines. So we can save needless deaths. The budget and support given by first world countries to healthcare is incomparable to our Philipppine budget.
Ani Ong, ang pondo at suporta na ibinibigay ng mga first world countries sa healthcare ay malayo sa kasalukuyang budget ng Pilipinas. “So we do not blame our health workers with limited resources to care for our patients,” dagdag pa niya.
Sa kanyang karanasan sa Singapore, nakita niya kung paano inaalagaan ng mga Pilipinong health workers ang mga pasyente. Dahil dito, mas naging malinaw sa kanya ang misyon na itaas ang kalidad ng gamutan sa Pilipinas.
“Dahil namulat ang mata ko sa gamutan dito, gagawin kong misyon na itaas ang antas ng gamutan sa Pilipinas. I love you all. Para sa ating lahat ito at sa susunod na henerasyon, ani Doc Willie, na nagtapos sa pagsabing “God be my Guide.”

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ‘Kuya Boy’ na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama’t bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
News
Doc Willie Ong, Kalbo na: Matapang na Nagbahagi ng Matinding Rebelasyon Tungkol sa Kanyang Laban sa Sakit
Si Doc Willie Ong, kilala bilang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang doktor sa bansa, ay muling nagbigay ng inspirasyon matapos niyang ipakita ang kanyang bagong anyo—kalbo na—bilang bahagi ng kanyang laban …
VIDEO: Doc Willie Ong MASAYA dahil CANCER FREE NA! Pero NAIYAK sa NATUKLASAN sa mga PULITIKO sa PINAS!
Doc Willie Ong MASAYA dahil Cancer-Free Na! Pero Naluha sa Natuklasan Tungkol sa mga Pulitiko sa Pilipinas Si Doc Willie Ong, isang kilalang cardiologist at public health advocate, ay nagbahagi …
Doc Willie Ong NAGULAT sa BILIS ng PAG LIIT ng BUKOL NITO Doc Willie PAUWI NA!
Nagbigay ng malaking sorpresa ang kilalang health advocate at doktor na si Doc Willie Ong matapos niyang ibahagi ang nakakagulat na resulta ng paggamot sa kanyang bukol. Ayon sa kanya, …
Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino
Sa pinakabagong video na inilabas ni Doc Willie Ong, isang kilalang doktor at health advocate, ipinakita niya ang mga resulta ng kanyang mga laboratory tests na nagpapakita ng patuloy na …
The Doc Willie Ong-Kris Aquino feud: Supporters rally behind the good doctor!
Following the potential lawsuit against him by Kris Aquino, Doc Willie Ong received a wave of support from his followers after he posted a clarification on his official Facebook account. …
Doc Willie Ong’s cancer journey: Battling pain, guilt and healthcare disparities
Renowned cardiologist and online health advocate Dr. Willie Ong revealed he was battling sarcoma cancer, surprising his millions of followers. In a video recorded from his hospital bed, Ong shared …
End of content
No more pages to load