Kim Chiu cries as she remembers Bawal Lumabas controversy: “Nag-flashback sa akin lahat.” – Star Dadily

Kim Chiu cries as she remembers Bawal Lumabas controversy: “Nag-flashback sa akin lahat.”

Kim: “When you make a ‘mistake,’ don’t look back at it long.”

Kim Chiu crying

Kapamilya actress Kim Chiu gets emotional after watching the trailer of her new iWant TFC series “Bawal Lumabas.” She explains: “nag flashback skin lahat simula nag start ang bawal lumabas.” 

Napaiyak si Kim Chiu habang pinapanood ang trailer ng bago niyang serye, ang Bawal Lumabas.

Ang serye ay inspired ng kantang ini-release ng 30-year-old Kapamilya actress noong May 25, 2020, at may kaparehong titulo.

Mahaba, masalimuot, pero maganda ang ending ng kuwentong nasa likod ng “Bawal Lumabas” song ni Kim.

Ito raw ang “parang nag flashback” sa aktres kaya hindi niya naiwasang maging emosyunal nang mapanood ang trailer ng bago niyang serye.

Ibinahagi ni Kim sa Instagram nitong Martes ng gabi, December 1, ang video nang mapaiyak siya habang pinapanood ang trailer ng Bawal Lumabas.

Kuha ang video ng make-up artist ni Kim na si Haidz Fernandez.

Nang mga oras kasing iyon, nasa dressing room si Kim at inaayusan ni Haidz para sa gagawing paghu-host sa It’s Showtime.

Sa video, panay ang pahid ni Kim sa kanyang luha.

Sinikap daw ni Kim na pigilan ang kanyang pag-iyak dahil “nahihiya” siya sa make-up artist.

“Pero naiiyak talaga ako,” sabi ni Kim habang tuluy-tuloy sa pag-iyak.

Kalaunan, napaluha na rin ang make-up artist.

Dahil dito, natawa ang noon ay humihikbi pa ring aktres.

Sa caption, inilarawan ni Kim na “iyak tawa” ang nangyari sa loob ng dressing room nang sabayan siya ng make-up artist sa pag-iyak.

Paliwanag ni Kim, napaiyak siya nang “nag flashback skin lahat simula nag start ang bawal lumabas.”

Naging kontrobersiyal ang pagtatanggol na iyon ni Kim sa kanyang home network nang ikumpara niya sa pagpapatupad ng mga rules sa classroom ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.

Sabi noon ni Kim: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, o, bawal lumabas.

“Pero pag sinabi… pag nag-comply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila…

“Inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”

Hindi naipaliwanag ni Kim ang punto ng pagkukumpara niyang ito, kaya inulan siya ng pambabatikos mula sa netizens.

Nag-viral ang sinabing ito ni Kim at maghapon siyang nag-trending kinabukasan, May 9.

Kaagad na humingi ng paumanhin ang aktres at inaming siya mismo ay hindi naintindihan ang kanyang sinabi.

Pero sa halip na tigilan ng pambabatikos, lalong kinuyog ng bashers si Kim sa sumunod na mga araw.

Pawang masasakit na salita ang ibinato kay Kim, kaya napilitan siyang mamahinga sa social media sa loob ng ilang araw.

Kasabay ito, sari-saring memes at jokes ang ipinakalat ng netizens online gamit ang pahayag ni Kim tungkol sa “law ng classroom.”

May naglapat din ng musika sa statement na iyon ni Kim, na ginawan pa ng dance challenge.

Sa kainitan ng kontrobersiya, todo-tanggol sa aktres ang mga kapwa niya Kapamilya talents.

Kabilang sa kanila ang boyfriend ni Kim na si Xian Lim, sina Maja Salvador, Korina Sanchez, Ellen Adarna, Angelica Panganiban, at Regine Velasquez.

Nang magbalik sa social media noong May 18, inanunsiyo ni Kim na magre-release siya ng full version ng kantang “Bawal Lumabas” na nag-viral sa social media.

Naging matagumpay ang release ng single na iyon, na nilapatan pa ng dance steps ng choreographer na si DJ Loonyo.

Kalaunan, naglabas din si Kim ng “Bawal Lumabas” T-shirts, na ibinenta niya online.

Ang kinita rito ay ginastos ni Kim sa pagbili ng COVID-19 test kits para sa mahihirap.

Namahagi rin siya ng relief packs sa maraming pamilyang walang pinagkakakitaan dahil sa quarantine.

Sa huli, nakatulong pa ang kontrobersiyal na pahayag ni Kim para maabutan ng ayuda ang mahihirap at mapondohan ang mass testing.

“ONE MISTAKE WON’T DEFINE YOU AS A PERSON”

Ito mismo ang natutuhan ni Kim sa kanyang “Bawal Lumabas” journey.

Inilahad ng aktres ang realizations niyang ito sa kanyang Instagram post nitong Martes ng gabi.

Sabi ni Kim: “One Mistake won’t define you as a person.

“When you make a ‘mistake,’ don’t look back at it long.

“Take the reason of the thing into your mind and then look forward.

“’Mistakes’ are lessons of wisdom.

“The past cannot be changed. The future is yet in your power.

“Kasama ko kayo sa journey na to sana sa pag tatapos ng taon samahan niyo pa din ako.”

Streaming na ang Bawal Lumabas series simula sa December 14, sa iWant TFC.

Kasama ni Kim sa serye sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Rafael Rosell, Paulo Angeles, at Trina Legaspi.

News

Kathryn Bernardo reveals why she trusts Alden Richards with her most profound questions

Kathryn Bernardo recently opened up about her relationship with fellow star Alden Richards, sharing that he is one of the few people she can talk to without a “filter.” In …

Alden Richards and Kathryn Bernardo admit feeling the pressure for ‘Hello, Love, Again’

Courtesy: GMA Integrated News/YouTube In their GMA Integrated News interview with Nelson Canlas, which aired on “24 Oras,” Wednesday, KathDen admitted that they are feeling the pressure for the upcoming …

Alden Richards reveals what Kathryn Bernardo taught him about life

Alden Richards shares what he learned from Kathryn Bernardo during their ‘Hello, Love, Again’ shoot in Canada Alden Richards and Kathryn Bernardo have gotten much closer now that they’ve wrapped …

KIKILIGIN KAYO DITO! Paulo Avelino kay Kim Chiu: Ganito Pala ang Ginawa! Grabe sa Kilig! #Kimpau

Walang duda, ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu, na mas kilala bilang “Kimpau,” ay isa sa mga pinaka-romantic at kilig na pairings sa industriya ng showbiz. Sila ay …

Kim Chiu’s Stunning New Family House is a Real-Life Dream Come True

Kim Chiu at the 2018 ABS-CBN Ball  Actress-host Kim Chiu gave a glimpse of her new three-storey family home. The actress posted several selfies and photos of herself around the …

Imbyerna sa ABS-CBN: Kim Chiu inagrabayo dahi kay Lovi Poe

Gigil sa galit ang mga fan ni Kim Chiu sa Kapamilya Network, at damay pati si Lovi Poe, dahil sa paniniwala nila na hindi patas na tratong ginawa sa kanilang …

End of content

No more pages to load

Next page