Seth Fedelin explains sweet moments with Francine Diaz

Wala mang pag-amin sa ngayon, kitang-kita sa mga ikinikilos nina Francine Diaz, 20, at Seth Fedelin, 22, na may espesyal na ugnayan sa pagitan nila.

Humarap ang dalawa sa mediacon ng My Future You, na ginanap sa Valencia, Quezon City, nitong Miyerkules, November 27, 2024.

Ang My Future You ay isa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entries na mapapanood simula December 25.

Sa tuwing sumasagot si Seth sa tanong ng press, mapapansing panay ang ngiti ni Francine na parang kinikilig.

Gulat din ang ilang press members na nakasaksi noong patapos na ang presscon na panay ang holding hands ng dalawa at panay ang ayos ni Seth sa likod ng buhok ni Francine.

Bukod sa sweet moments na ito, malaman ang mga binitiwang salita ni Seth bilang paglalarawan kung ano ang namamagitan sa kanila ni Francine.

Nang tanungin kung ano ang gusto nilang mangyari sa future, sagot ni Seth: “Gusto ko na masundan yung my future, opo.

“At siyempre, para sa sarili ko rin naman, gusto ko makapagtapos ng pag-aaral.

“Gusto ko magkaroon ako ng talagang taong magmamahal at kikilalanin ako, and sa tingin ko naman malapit na.”

Sa puntong ito, diretsahang tinanong si Seth kung si Francine ang tinutukoy nitong gusto niyang maging bahagi ng kanyang hinaharap.

“Opo,” walang kagatul-gatol na sagot ni Seth.

Bakit nasabi ni Seth na malapit na siyang magkaroon ng taong magmamahal sa kanya?

Sagot ng Kapamilya young actor: “Kasi hindi na ako lalayo. Pero may isang pangako lang akong kailangan kong tuparin—yung pangako ko sa magulang ni Francine.

“Alam naman po natin na hindi biro ang samahan namin. Hindi biro na bawiin yung tiwala ng magulang ni Francine.

“Hindi po biro ang pinagdaanan ko na makaabot ulit dito na nahahawakan ko yung kamay ni Francine. Hindi po biro yun.

“At yun po yung goal ko, na gusto ko pong maramdaman nila… Safe si Francine sa akin. Yun yung gusto kong maramdaman [nila].”

Patuloy ni Seth, gusto niyang patunayan sa mga magulang ni Francine na karapat-dapat siya para sa dalaga.

“Kaya ko nasabing malapit na kasi yun na lang yung parang kailangan kong gampanan para masabi kong nandito na siya.

“So, anong kailangan ko? Lakas ng loob, paninindigan, tapang, respeto, and pagmamahal.

“Lahat po ng bagay na yun ay hindi mo makukuha ng isang araw o isang buwan.

“Malaking pogi points kapag kakampi mo yung magulang, di ba? Malaking pogi points kapag mahal ako nung magulang.

“So, yun yung plano ko talaga.”

Dito kapansin-pansin ang pagngiti ni Francine na tila kinikilig.

Tulad ni Seth, nagpahiwatig si Francine na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nila.

Pahayag ng dalaga, “Hindi ko mahanap yung tamang words kasi totoo po [na] kung nasaan kami ngayon, hindi po namin yun minadali talaga.

“Kung kaya lang naming i-explain yung mga napagdaanan po namin para mag-holding hands kami dito.

“Ako po, grateful po ako na meron akong Seth sa buhay ko. Hindi po kasi biro yung bigyan ka ng Diyos ng someone na matatawag mong best friend.”

Idiniin ni Seth na sinsero siya sa nararamdaman para kay Francine.

Aniya: “Kasi, guys, hindi talaga biro, alam naman po natin yan, lalo na nung mga nakaraan. Hindi po biro na bawiin yung tiwala ng magulang ni Francine at ni Francine.

“Sobra ko pong ginalingan, and alam kong kulang pa, alam kong meron pa akong kayang magawa, alam ko na meron pa akong kayang ibigay.

“And yun yung gusto ko, para pagdating ng panahon na anuman ang mangyari, mahal nila ako.

“Kahit ano mang mangyari, mahal nila ako, yun lang ang plano ko. Kaya kapag tinatanong kami na ‘Kayo na, e.’ Hindi po biro na kami agad.”

Francine Diaz and Seth Fedelin holing hands at My Future You presscon

SETH FEDELIN ON SPENDING TIME WITH FRANCINE DIAZ

Dito umamin si Seth na may basbas ng mga magulang nila ni Francine ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Saad niya: “Opo, matagal po ‘to, hindi po siya isang buwan at hindi ako nagmamadali, hindi kami nagmamadali.

“Okay kami nung mga magulang ni Francince, ni Tito at Tita.

“Okay din sina Mama kay Francine, okay kami dun.

“Nakakadalaw po ako sa bahay nila, pinapayagan po ako nina Tito at Tita na ihatid at sunduin siya sa school.

“So, okay, basta, ‘Oras, Seth, uwi. Seth, ganitong oras nandito si Chin.'”

Chin ang palayaw ni Francine.

Wala raw problema kay Seth kung matagal ang proseso ng panliligaw niya kay Francine.

“Wala sa isip namin na madaliin yung mga bagay-bagay, i-pressure yung mga sarili namin na magmahal, na mag-commit, na magganyan.

“Pero hindi ibig sabihin nun, ganyan lang kami, ay sisirain ko yung tiwala ni Francine.

“No, binubuo ko nga yung tiwala ni Francine.

“Kaya kahit ganito kami, ime-make sure ko na yung trust namin sa isa’t isa, malakas yan, na kahit sino hindi yan kayang sirain.

“Pagdating ng mahabang taon, yung trust namin malakas. Maraming tao ang nakaalalay sa amin.”

Aaminin ba nila sa publiko kung sakaling maging sila na?

“Deserve po ni Francine na ipagmalaki siya, so yes. Ipapa-billboard ko, charot,” pabirong tugon ni Seth.

Sang-ayon ni Francine, “Oo naman po. Kung mangyayari man po yun, oo naman po.

“Pero hindi po ibig sabihin na porket aaminin namin or inamin in the future, if ever, hahayaan na rin po na maging curious ang mga tao sa kung anong meron kami in the future.

“Kasi sa akin po, kapag sinabing love niyo ang isa’t isa, dapat protected niyo yung meron kayo, e.

“Kung magiging girlfriend ako in the future, ayoko pong may mangingialam dun, gusto ko pong pangalagaan.”

Francine Diaz and Seth Fedelin holing hands at My Future You presscon

SETH FEDELIN ON “PRE-LIGAW” STAGE

Kung tutuusin, panliligaw na ang dating ng mga tinuturan ni Seth.

Pero nang tahasang tanungin kung nililigawan niya si Francine, sinabi ni Seth na mas inuuna niya ang pagkuha sa tiwala ng mga magulang ng dalaga.

“Wala po akong konkreto na manliligaw na ako next year, e. Wala pa po sa isip ko na manligaw.

“Pero siguro paraan ko ‘to—pre-ligaw—parang mas ligaw sa magulang kaysa ligaw kay Francine.

“Kapag dumating yung ligaw, yung talagang manliligaw ako, mapapadali na lang yung trabaho ko, di ba?

“Baka mamaya, ‘Puwede bang manligaw?’ Ang sagot, ‘oo’ na agad.

“Nag i-invest muna ako, kumbaga, para yung matinding support sa likod ko, mga magulang ni Francine.

“Ang sarap kayang pakinggan bilang lalaki na ang magulang ng babae na sasabihin na, ‘O, nasaan si Seth? Bakit hindi mo kasama si Seth? O, pumunta kayo rito ni Seth.’ Di ba?

“Na hinahanap yung presensiya mo. Napakasarap nun sa pakiramdam bilang isang lalaki na ang magulang ng babae hinahanap presensiya mo.

“So, kung yung ligaw-ligaw na yun, hindi pa talaga ‘ligaw-ligaw.’ Tapos pagkatapos ay commitment na, tayo na. Hindi po ganun, wala pa ako sa estado, hindi pa buo.

“Yung parang sa tingin ko may kulang pa sa akin bago ako humarap kay Francine at sabihin na ganun.

“Gusto ko buong-buo ako, gusto ko walang kulang sa akin.

“Hindi ko sinasabing magiging perfect ako, pero gusto ko na kapag humarap ako kay Francine at sabihin na gusto kong manligaw, there’s no turning back.

“Gusto ko na kapag sinabi ko yun, period, no erase.”

Tinanong naman si Francine kung may tamang panahon para ligawan siya ni Seth.

“Una sa lahat, bakit nanliligaw? Para sa akin, wala namang timeline yan, e,” saad ng young actress.

“Gaya ng pag nagkakagusto tayo sa isang tao, di ba? Hindi naman natin pinaplano na magiging crush ko siya. Hindi naman natin pinaplano kung sino yung magiging end game natin, e.

“Once na ma-feel mo na I think it’s the right time, then go for it, lalo na sa panahon ngayon.”

Sa mga salita ni Francine, mahihinuhang bukas siya sa posibilidad na mag-entertain ng manliligaw.

Lahad pa ng dalaga: “Naiisip ko na parang ang bilis ng takbo ng oras, parang kahapon lang nandun kami sa parade, tapos ngayon nasa mediacon na kami, sumasagot ng mga tanong po ninyo.

“Para sa akin, kahit sa loob lang ng isang minuto, ang daming puwedeng mangyari agad.

“Pag na-feel mong ito na yung tamang oras at wala namang masama sa gagawin mo, then why not? Go for it.

“There’s no timeline naman pagdating sa love, e. Kapag naramdaman mo, ayun na yun, and there’s no turning back.”

Francine Diaz and Seth Fedelin holing hands at My Future You presscon

NO I LOVE YOU’S YET

Nagsabihan na ba sila ng “I love you”?

Sagot ni Seth, “Walang ‘I love you.’ Halimbawa na lang po, mas nandun kami sa, ‘Good morning. Kumain ka na? Kung hindi pa, kain ka na.’

“Kapag good night naman, ‘Good night, sweet dreams, see you in my dreams.’ Walang I love you’s, more on sweet messages siya.”

Sang-ayon ni Francine, “Hindi po. Parang mas ano lang talaga, appreciation sa isa’t isa.

“Kumustahan ng araw, kuwentuhan, paglubog ng araw laging, ‘Okay, pahinga ka na, see you tomorrow.’ Mas ganun po.”

Sa huli, umaasa si Seth na si Francine nga ang makasama niya sa hinahaharap.

“Hindi ko masabi na siya ang future ko, e. Ang gusto kong masabi is sana siya ang future ko.

“Hindi natin masasabi kung sino yung soulmate natin. Pero ang nasa isip ko ay sana siya ang future ko.

“Yung sa katangian naman, ako, masasabi kong at peace ako. Masasabi kong masaya ako, kuntento ako, so baka nga siya.”

Gusto raw niyang hindi lang pangmadalian ang kanilang samahan.

“Kasi gusto kong kaming dalawa, hindi lang hanggang My Future You yung puwede naming gawin, gusto ko na marami pang taon na magsama kami.

“So, nag i-invest kami ngayon sa pundasyon ng samahan namin.”

Inulit ni Seth na gusto niyang maging deserving sa pagmamahal ni Francine balang-araw.

Paliwanag niya: “At kung dadalhin man kami sa panahon na siguro pagdating ng araw na magiging kami, bilang lalaki rin, mine-make sure ko na siya na talaga.

“Mine-make sure ko yung sarili ko na mamahalin ko ‘tong babaeng ‘to nang buong-buo kasi deserve niya.

“Isa rin sa natutunan ko yun, isa rin sa natutunan ko na magmamahal ako ng babae— na kapag magmamahal ako, ibubuhos ko lahat.

“Mamahalin ko siya yung deserve niya, kung paano niya gustong mahalin, ibibigay ko po yun. Sa nakikita ko, deserve ni Francine na mahalin siya.”

News

LAGOT NA! Kathryn Bernardo, Isiniwalat ang Tunay na Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Daniel Padilla!

LAGOT NA! Kathryn Bernardo, Isiniwalat ang Tunay na Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Daniel Padilla!   Sa kabila ng matatag na pagmamahalan na madalas nating nasasaksihan sa pagitan nina Kathryn …

Sino Ang Mas Mayaman? Kathryn Bernardo o Andrea Brilllantes? (House, Car, Net Worth)

Kathryn Bernardo: A Reigning Queen Kathryn Bernardo, often hailed as one of the highest-paid actresses in the Philippines, has solidified her position as a top-tier celebrity. Her consistent work in …

Daniel Padilla, Planong Maka-date Muli si Kathryn Bernardo?

Sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng pagpapahalaga ni Daniel Padilla sa kanyang pag-unlad at pagbabago para sa kanyang sarili. Isa sa mga mainit na usapin sa showbiz ang tungkol sa kanyang …

“SHOCKING REVELATION: Louise Delos Reyes CONFIRMS Xian Lim IS THE FATHER of Her Child, BREAKS SILENCE on Their Private Life!”

“SHOCKING REVELATION: Louise Delos Reyes CONFIRMS Xian Lim IS THE FATHER of Her Child, BREAKS SILENCE on Their Private Life!” Louise Delos Reyes BREAKS SILENCE, BOLDLY CONFIRMS Xian Lim IS …

“SHOCKING MOMENT: Kim Chiu Loses Her Temper on Stage Following a Fiery Clash with a Special Contestant!”

“SHOCKING MOMENT: Kim Chiu Loses Her Temper on Stage Following a Fiery Clash with a Special Contestant!” Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa isang live event kung saan nagalit …

Sec NAGSALITA NA sa PAGKAKAKULONG ni Neri Naig Miranda: “WAG TAYONG PA-VICTIM!”

Sec NAGSALITA NA sa PAGKAKAKULONG ni Neri Naig Miranda: “WAG TAYONG PA-VICTIM!” Nagbigay ng matapang na pahayag si Sec kaugnay ng kontrobersyal na pagkakakulong ni Neri Naig Miranda, na nahaharap …

End of content

No more pages to load

Next page